Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Vice President Leni Robredo nilinaw na ang paglilibot ni Atty. Joel Cadiz sa 3rd District ay walang basbas mula sa kanya

Iriga City—Walang basbas at wala ring kasunduan mula kay Vice President Leni Robredo ang paglilibot ni Attorney Joel Cadiz sa 3rd District ng Camarines Sur, ito ang ipinahayag ng pangalawang pangulo ng bansa sa pagharap nito sa mga miembro ng Media.

Ayon pa sa Pangalawang pangulo, kahit pa magpaalam si Cadiz sa kanya ay kanyang ii-endorso pa rin na kandidato bilang Congressman ay si incumbent 3rd district representative Gabby Bordado.

Hindi umano matatawaran ang naging kakayahan ni Congressman Bordado sa house of representatives dahil sa maraming mga panukalang batas ang naipasa sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Ayon pa sa Pangalawang pangulo, kahit pa nasa partido Liberal si Attorney Joel Cadiz, hindi pweding mag-endorso ang partido ng dalawang kandidato.

Source: Office of the Vice President

Related posts

Surigao Port Front-Liners Get Disinfectants, Face Masks From NGO Partner

RPN

LTFRB Caraga Public Advisory

RPN

Suspected Drug Group Leader Nabbed In Baguio

RPN