Thursday, May 9, 2024

“Very cool” ang nasabi ng Pangulo sa video ni Uson at Olivar – ayon sa Palasyo

- Advertisement -

Hindi natawa ang Pangulong Rodrigo Duterte nang mapanuod ang federalism video nina Assistant Secretary Mocha Uson at blogger Drew Olivar.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos magkaruon ng hiwalay na pulong ang pangulo kina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Benjamin Diokno kung saan napagusapan din ang nasabing viral video.

Sinabi ni Roque na “very cool” lamang ang nasambit ng pangulo nang mapanuod ang naturang video.

Binigyang diin ni Roque na dahil sa naging kontrobersyal na ang video mas makakabuting samantalahin na lang ang oportunidad sa mas matalinong diskurso at naniniwala ang pangulo sa freedom of expression.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img