35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Halos isang daan na may kaso na pulis hinarap sa Pangulo

- Advertisement -

Iniharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang halos isandaang pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ilan sa mga nasabing pulis na mula sa regions 3, 4A at NCR o metro manila ay dawit sa paglalaglag ng mga kasong may kinalaman sa illegal drugs kapalit ng pera.

Ang iba aniyang pulis ay nahaharap sa mga kasong kidnapping, rape, robbery, extortion at grave misconduct.

Sinabi ni Albayalde na inabisuhan sila ng Office of the President para dalhin sa Malakanyang ang mga nasabing pulis kasabay ng command conference na ipinatawag ng Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -