Friday, May 17, 2024

Vape hindi maaaring gawing alternatibo ng sinumang gustong tumigil sa paninigarilyo — DOH

- Advertisement -

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na delikado sa pangkalusugan ang paggamit ng vape o electronic cigarettes.

Ito ay kasunod ng ipinakakalat ng mga manufacturer at user ng vape na ligtas itong gamitin.

Iginiit naman ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi maaaring gawing alternatibo ang mga vapes ng sino mang gusto na tumigil sa paninigarilyo lalo na at inilalagay nito sa panganib ang buhay ng gagamit at mga makakalanghap nito.

Kaugnay dito, naglunsad ang WHO ng bagong International Classification of Disease (ICD) code U07.0 na tutulong matukoy ang sakit ng isang pasyenteng maaaring tamaan ng sakit dulot ng paggamit ng vape.

Samantala, hinihikayat ngayon ng DOH ang mga kalihim ng mga ospital, klinika at iba pang health facilities na gamitin ang tamang code sa pagtukoy ng mga kasong may kaugnayan sa vapes at tabako.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -