Sunday, May 5, 2024

Utility companies: Maaring bayaran ang mga bills online

- Advertisement -

Pinayuhan ng Meralco at water concessionaires ang publiko na kung kaya ay bayaran ang bill online.

Ito ay para maiwasan ang pagpapatung-patong ng mga bayarin sa singil sa kuryente at tubig kapag natapos na ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Maynilad at Manila Water, dapat samantalahin ng publiko ang online bank payments kasama ang transfer fund facilities para makapagbayad ng bill.

Tiniyak naman ng Meralco ang kahandaang gumawa ng mga hakbangin para mapagaan ang inaasahang pagdo doble-doble ng bayarin ng publiko sa sandaling i-lift na ang enhanced community quarantine.

Magugunitang ipinatigil ng Meralco ang pagbabasa ng metro ng kuryente dahil sa banta ng COVID-19 at ang sinasabing magiging basehan ng bill ngayong buwan hanggang matapos ang quarantine ay ang average na binabayaran ng kada customer sa nakalipas na tatlong buwan.

Maging ang Maynilad at Manila Water ay nagbigay ng 30 araw na extension sa pagbabayad ng singil sa tubig bunsod ng quarantine period.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img