Sunday, May 5, 2024

Unang batch ng mga OFW mula Middle East na uuwi sa bansa naka-stand by na — Lorenzana

- Advertisement -

Nakaantabay na ang unang batch ng OFW’s mula sa Middle East na nagkusang umuwi sa bansa sa harap ng nakaambang giyera sa pagitan ng Estados Unidos at Iran-Iraq.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, inaantay na lamang ng mga repatriation team ang abiso kung makakalapag na sa NAIA ang sasakyan nilang eroplano.

Ngayong araw sana nakatakdang dumating ang unang batch ng OFW’s subalit naunsyami ito dahil sa pagsasara ng NAIA makaraang abutin ito ng abo na galing sa pagputok ng Bulkang Taal.

Samantala, naka-standby sa Malta ang BRP Gabriela Silang at handang maglayag sa kahit anong bansa sa Middle East sakaling may mga manganib na Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img