Wednesday, May 8, 2024

Unang araw ng pagpapatupad ng GCQ sa ilang lugar sa bansa naging maayos

- Advertisement -

Pangkalahatang naging maayos ang unang araw ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, eksaktong natapat sa holiday ang unang araw ng GCQ kaya naging maayos ang pagpapatupad nito.

Nagkaroon din ng sapat na panahon ang mga law enforcement agencies na mapaghandaan dahil sa weekend aniya ngayon.

Samantala, sinabi ni Eleazar na patuloy naman ang pagbaba sa mga naitatalang krimen sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).

Aniya, bumaba ng 67% ang naire-report na krimen sa Luzon, 58% sa Visayas at 51% sa Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img