29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

NBA players, staff na walang sintomas hindi na isasalang sa COVID-19 test

- Advertisement -

Hindi na dapat pang isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang mga NBA players at staffs na hindi naman nakitaan ng anumang sintomas ng virus.

Ito ay batay sa inilabas na memo ng NBA kung saan binigyang diin ng pamunuan ng NBA na hindi wasto na isailalim pa ang mga manlalaro at staffs kung wala naman itong anumang sintomas ng virus.

Una rito, umani ng batikos mula sa publiko ang NBA matapos nitong isailalim sa COVID-19 tests ang kanilang mga staffs at mga koponan kahit na wala na asymptomatic ang mga ito, at dahil na rin sa kakulangan ng testing kits sa buong mundo.

Matatandaang ilang NBA players ang unang napaulat na nag positibo sa COVID-19 kabilang na sina Kevin Durant, Marcus Smart at Rudy Gobert.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -