Thursday, May 9, 2024

Tubig dapat pangasiwaan ng gobyerno —kongresista

- Advertisement -

Iminungkahi ni Buhay party-list Representative Lito Atienza na panghawakan na lamang ng gobyerno ang pangangasiwa sa tubig at hindi na sa pribadong sektor.

Paliwanag ng mambabatas, pangunahing pangangailangan ng taumbayan ang tubig ngunit ito’y ginagawang negosyo o pinagkakakitaan ng mga mapagsamantala.

Aniya, mapalad ang mga Pilipino dahil sobra-sobra ang suplay ng tubig mula sa kalikasan at ang hamon lamang sa taumbayan ay mapanatili ang daloy ng tubig at mapangalagaan upang hindi maubusan ng tubig kung kinakailangan.

Mapalad ang Pilipino dahil ang tubig, sobra-sobra ang ating suplay na galing sa Panginoon, galing sa kalikasan ‘yan, e, hindi binabayaran ang ulan. Ang hamon sa Pilipino, mapanatili ang daloy niya, mapangalagaan at malinis, marecycle –hindi tayo mauubusan ng tubig kahit kailan,” ani Atienza.

Sa huli iginiit ni Atienza na dapat ay gobyerno na ang mangasiwa sa tubig at kuryente upang hindi na ito patawan ng tubo at bumaba ang presyo.

Kung ako ang tatanungin niyo, tubig, kuryente, dapat gobyerno ‘yan, at mababa ang presyo niyan,” ani Atienza. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img