Trump nagpadala ng sulat kay Kim Jong-un

0
18

Nagpadala ng sulat si U.S. President Donald Trump kay North Korean leader Kim Jong-un.

Ayon sa government owned media na Korean Central News Agency, nakapaloob sa sulat ang paghingi ng tulong ng Estados Unidos na malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isa rin anila itong magandang dahilan upang maibalik ang magandang pinagsamahan ng dalawang bansa.

Matatandaang, hindi nagkaroon ng magandang relasyon ang dalawang bansa matapos na hindi magkasundo sa ikinasang denuclearization ng North Korea sa Amerika.