31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Tolentino humingi ng paumanhin matapos na batikusin ng publiko ang COVID-19 test result niya

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin Si Senator Francis Tolentino, matapos na batikusin sa kanyang post kung saan inanunsyo nito na negatibo ang kanyang resulta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Magugunita kasing nagtrending sa social media ang hashtag na (#notoviptesting) dahil nagkakaroon umano ng VIP treatment sa mga politiko gayung limitado lamang ang test kit sa bansa.

Paliwanag ng Senador, nagpa-covid test siya dahil exposed din sya sa kapwa senador o katrabaho na nagkaroon ng contact sa positibo sa COVID-19, habang nagsasagawa sila ng pagdinig.

Aniya, nagkaroon rin sya ng lagnat at ubo na siyang sintomas rin ng COVID-19 kung kayat napagdesisyonan nya na mag self-quarantine at magpa-test.

Samantala, magugunitang iginiit ng  Department of Health (DOH) na prayoridad ng testing ang mga Persons Under Investigation (PUI) na may mga kondisyon na nakakababa ng kanilang resistensya, mga senior citizens, buntis, may mga travel history at close contact sa isang pasyenteng may COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -