Wednesday, May 8, 2024

Titulo ng lupa ng ABS-CBN pinaiimbestigahan

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ni Deputy House Speaker Rodante Marcoleta ang isyu ng titulo ng lupa ng kapamilya network.

Ayon kay Marcoleta, sa ginawang pagdinig ng Kamara noon sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, naipakita lamang ng network ang machine copy ng owner’s duplicate certificate ng naturang titulo.

Paliwanag ni Marcoleta, hiniling aniya ng mga mambabatas na magpakita ang network ng certified electronic copy nito, dahil mahina o ‘poor photocopy’ lamang ang naipresenta ng network sa gitna ng pagdinig.

Kasunod nito, sa ginawang pagbeberipika sa naturang titulo, lumalabas ani Congressman Marcoleta na sa ibang property ang naturang titulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img