30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Surigao: Senador Gatchalian nagparating ng tulong sa mga nasalanta sa Dinagat Island

- Advertisement -

Habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi at halaga ng nasirang mga ari-arian ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, nagparating ng tulong ang Senador sa mga nasalanta, kabilang na dito ang Dinagat Island.

Visit RPN DXKS Surigao

“Sa tindi at lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette, kailangang pagtulungan natin ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya, maging sa mga lokal na pamahalaan. Makakatulong itong maibsan ang mga alalahanin nila sa kasalukuyan,” sabi ng senador.

Nagpadala ang senador ng P1 milyong halaga ng bigas, tulong mula sa Valenzuela City, ang bayan ng senador. Personal na inabot ng kinatawan ng Senador ang nasabing tulong sa mga lokal na opisyal ng Dinagat Island.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Valenzuela City Council, nabigyan ng pahintulot si Mayor Rex Gatchalian na magpaabot ng nasabing tulong na nagmula sa quick response fund (QRF) ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ng lungsod.

Nauna nang hinimok ng Senate Energy Committee Chairperson ang National Electrification Administration (NEA) na agarang gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) para mabigyan ng financial assistance ang mga electric cooperatives sa pagkukumpuni nila ng mga nasirang linya ng kuryente at mga power infrastructure upang matiyak ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

“Hindi natatapos sa pagbibigay ng pang madaliang ayuda ang ating pagtulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo. Sisiguraduhin natin na mabibigyan din sila ng pang matagalang tulong upang maging mas masaya ang bagong taon,” ani Gatchalian.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -