Friday, May 3, 2024

SSS president Emmanuel Dooc nagbitiw na sa pwesto

- Advertisement -

Nagbitiw na sa kaniyang pwesto si Emmanuel Dooc bilang presidente at chief executive officer ng SSS o Social Security System.

Ayon kay Dooc, ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto ay dahil nag tapos na ang kaniyang termino bilang pinuno ng SSS.

Dagdag pa nito, ang kaniyang appointment sa SSS ay naka-batay pa sa lumang Social Security Law.

Ito aniya ang dahilan kaya siya naghain ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, naniniwala naman si Dooc agad na makapag tatalaga si Pangulong Duterte ng bagong pinuno ng SSS.


Hindi dapat takbuhan ni Outgoing Social Security System President Emmanuel Dooc ang mga kapalpakan nito sa nakalipas na taon.

Ito, ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, kaugnay ng pagbibitiw ni Dooc bilang pinuno ng SSS.

Giit ni Zarate, maraming dapat ipaliwanag si Dooc partikular na ang mababang koleksyon ng ahensiya.

Kaugnay nito, dapat rin aniyang magpaliwanag si Dooc sa pagtaas ng mga uncollected premiums magmula noong 2016.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img