Taas singil sa NLEX aprubado na ng Toll Regulatory Board

0
40

Aprubado na ng TRB o Toll Regulatory Board ang toll hike sa NLEX o North Luzon Expressway.

Simula Marso 20, tataas ng sampu hanggang 29 pesos ang singil sa NLEX open system mula Balintawak hanggang Bocaue, Bulacan.

22 hanggang 67 pesos naman ang dagdag singil sa toll mula Balintawak hanggang Santa Ines Toll Plaza.

Ayon sa NLEX Corporation, ang taas singil na ito ay matapos maaprubhan ang kalahati ng dapat na toll hike para sa taong 2013 at 2015.