Thursday, May 2, 2024

Special public markets na maaaring bilhan ng murang manok itatayo

- Advertisement -

Magtatayo ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ng mga ispesyal na mga palengke kung saan maaaring makabili ng mas murang manok ang publiko.

Aminado si Finance Assistant Secretary Tony Lambino na napakalaki ng diperensya ng farm gate price ng manok kumpara sa presyong nabibili ng mamimili sa palengke.

Dahil dito, mismong ang poultry owners ang direktang magtitinda ng manok sa mga itatayong special public markets ng pamahalaan para magmura ang bentahan ng manok.

Matatandaang nasa 85 pesos lamang ang farm gate price ng manok ngunit dahil sa malaking patong sa presyo ng traders napipilitan ang mga nagtitinda sa palengke na itaas din ang presyo ng manok na ngayon ay nasa 160 pesos ang kada kilo.

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img