29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Singil sa kuryente posibleng bumaba ngayong buwan

- Advertisement -

Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Setyembre.

Ito ay ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga bunsod ng bumabang demand sa kuryente nitong Agosto.

Posible rin aniyang bumaba ang singil sa kuryente kung magreresulta sa mas mababang presyuhan sa Whole Sale Electricity Spot Market ang bumubuting sitwasyon sa Luzon Grid.

Samantala, inaasahan namang tataas ang singil ng Manila Water sa susunod na buwan.

Ito ay matapos irekomenda ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Regulatory Office sa Manila Water na utay-utayin ang P6.25 hanggang P6.55 per cubic meter na taas sa singil sa tubig mula ngayong Oktubre hanggang Enero ng taong 2022.

Sakaling aprubahan ng MWSS, unang magtataas ng P1.50 per cubic meter ang Manila Water sa Oktubre at susundan ng 2 pesos per cubic meter sa Enero ng 2020.

Magkakaroon naman ng panibagong pagtaas ng 2 pesos sa taong 2021 at 76 centavos hanggang piso sa 2022.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -