Wednesday, May 8, 2024

Sotto: Kuntento sa isinumiteng report ni Duterte sa Kongreso

- Advertisement -

Kuntento na si Senate President Vicente Sotto III sa isinumiteng report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Ito ay kaugnay ng ikalawang report ng pangulo hinggil sa mga hakbang, programa at ang mga pinaglaanan ng pondo ng gobyerno upang matugunan ang coronavirus disease 2019  (COVID-19) crisis na kinahaharap ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sotto, umaasa siya na maayos at mabilis na maipatutupad ang mga programang nakasaad sa naturang report para matugunan ang pangangailangan ng mga filipino.

Sa report na isinumite ng Pangulo sa Kongreso, kabilang sa mga programang ipatutupad ang ang livelihood assistance grant (LAG) na ilulunsad sa abril a katorse.

Ang lag ay magagamit ng mga benipisyaryo kung saan mabibigyan ng kapital para magumpisa, o mas-pagandahin pa ang kanilang mga negosyo.

Gayunman, sinabi naman ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na kaniyang pag-pagaaralan ang isinumiteng ulat ng Pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img