31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Presyo ng mga seafoods tumaas

- Advertisement -

Tumaas na nang bahagya ang presyo ng isda at mga seafoods sa pagpasok ng mahal na araw.

Kasunod ito nang pagpa-fasting o hindi pagkain ng mga Katoliko ng karneng baboy ngayong panahon ng Semana Santa.

Sa isang wet market sa QUEZON CITY nasa P180 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo ng bangus o P20 hanggang P30 na pagtaas sa presyo nito noong isang linggo.

Nagtaas naman ng P10 ang presyo ng kada kilo ng tilapia na nasa P130 na.

Ipinabatid ng mga nagtitinda ng isda na kakaunti lamang ang supply ng bangus at tilapia at iba pang isda dahil halos walang bumabyahe at sarado ang mga palengke kapag Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Binigyang diin naman ni Agriculture Secretary William Dar na ang presyuhan ay nakadepende sa law of supply and demand at ang traders at vendors ay pinapayagan ng 10% kita.

Muling tiniyak ni Dar ang sapat na supply ng pagkain habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -