Sunday, May 5, 2024

Siyam katao nasawi sa landmine explosion sa Afghanistan

- Advertisement -

Nasawi ang siyam na katao dahil sa landmine explosion sa Takhar, Afghanistan.

Pawang mga kabataan na may edad na pito hanggang 11 taong gulang ang namatay dahil sa hindi sinasadyang pagtapak sa mga nakatanim na bomba.

Ayon kay Takhar Governor na si Abdul Haq Shafaq, ang grupo ng Taliban na siyang kumokontrol sa probinsya ng Takhar ang nagtanim ng mga bomba.

Aniya, tinatayang nasa 17 na ang mga batang namamatay sa pagsabog ng mga landmine sa iba’t-ibang lugar sa Afghanistan sa nakalipas na mga buwan.

Samantala, wala namang naging pahayag ang grupo ng Taliban kung sila ang nasa likod ng pagtatanim ng mga naturang bomba.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img