35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Road closure at re-routing ipatutupad ng MPD kasabay ng 2019 Bar Exams

- Advertisement -

Magpapatupad ng road closure at rerouting ang Manila Police District o MPD kasabay ng isasagawang 2019 Bar Exams ngayong araw ng Linggo, November 3.

Nakasaad sa inilabas na abiso ng MPD na apektado sa stop and go traffic situation ang mga bahagi ng P. Noval, Dapitan, A.H. Lacson Avenue at España Boulevard.

Simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga na lamang pahihintulutang makapagbaba ng mga pasahero sa bahagi ng University of Santo Tomas o UST ang mga pampublikong sasakyan.

Muli namang papayagang makapagsakay ng pasahero sa naturang lugar ganap na ala-5:00 ng hapon, mamaya.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang pag park o pagparada sa paligid ng UST.

Panawagan ni MPD Director Police Brig. Gen. Bernabe Balba sa mga motorista na sumunod sa ipinatutupad nilang road rerouting sa lugar na pagdadausan ng bar examinations.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -