Friday, May 10, 2024

Sison muling nanindigang handang makipagpulong kay Duterte

- Advertisement -

Muling nanindigan si Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Founding Chairman Jose Maria “Joma” Sison na handa siyang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte saanmang bansa, maliban lamang sa Pilipinas.

Ayon kay Sison, kung matuloy man ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo ay handa naman siyang magtungo sa mga karatig ng bansa ng Pilipinas para lamang maka-usap ang pangulo.

Sinabi ni Sison na hindi pa panahon para bumalik siya sa Pilipinas dahil mailalagay lamang sa panganib ang peace process sa oras na bumalik siya sa bansa, ngunit maari naman aniyang talakayin muna ang comprehensive agreement on socio economic reforms (CASER).

Matatandaang una nang tiniyak ng Malacañang na ginagarantiyahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aarestuhin si Sison pagdating nito sa Pilipinas hanggang sa makaalis ito ng bansa para matuloy lamang ang nasabing peace talks.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -