Baguio: Mayor Benjamin Magalong, nanawagan sa publiko na iwasan ang paggamit ng plastic

0
8
(Photo courtesy of PIO Baguio)

Ang panawagan ni Mayor Benjamin Magalong ay alinsunod sa magkakasunod na paglilinis na isinagawa sa lungsod, kung saan ay nakakuha ang Baguio ng mga sako-sakong plastic na lalagyan at maging ng mga sachet wrappers.

Kung inyong matatandaan na ang mga plastics ang siyang sanhi ng pagbabara sa daanan ng tubig na nagreresulta ng pagbaha sa lungsod lalo na kapag may mga biglaang pagbuhos ng ulan.

Kaungnay nito, ang Ama ng lungsod ay nagpalabas ng Memorandum No. 66 noong nakaraang taon na nagbabawal sa paggamit ng minsanan sa plastic sa loob ng City Hall ng Lungsod at sa iba pang opisina ng lokal na gobierno na alinsunod na rin sa City Ordinance No. 35-2017 na sumasaklaw sa pagbabawal ng pagbenta, pamamahagi at paggamit ng plastic bilang shopping bags at Styrofoam sa lungsod ng Baguio.

Sa kanyang memorandum, ipinag-utos ng Mayor sa mga empleyado ng lokal na gobierno at maging sa service providers nito tulad ng kantina at mga tindahan at maging ng mga bisita na nagpupunta sa City na tumalima sa kanyang ipinag-uutos.

Nanawagan din ang naturang Mayor sa mga nagpupunta sa Pampublikong Pamilihan ng lungsod na magdala ng mga reusable bags at ng reusable containers kung ninanais nilang bumili ng wet products tulad ng isda, karne at ng iba pa. Ang mga sasalungat sa kanyang utos ay maaring masara ang tindahan lalo na kung wala itong business permit sa unang paglabag, P1,000 ang ipapataw sa ikalawang paglabag, at P3,000 multa at walong oras na community service sa ikatlong paglabag ; at P5,000 multa at pagkasuspendi ng business permit sa loob ng 6 na buwan sa ika apat na paglabag at ang non-renewal ng business permit o pagsara ng negosyo sa palaging lumalabag sa kautusan o habitual offender sa wikang English. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply