31.6 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Duterte sa paggunita ng Rizal Day: Karapatan, kalayaan dapat protektahan ng mga Pilipino

- Advertisement -

Dapat na protektahan ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan at ang pagiging malaya ng bansang Pilipinas.

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, ngayong Lunes, ika-30 ng Disyembre.

Ayon kay Pangulong Duterte, maaring bigyang pagkilala ang pagmamahal at sakripisyo ni Rizal para sa bansa sa pamamagitan ng pagtiyak na ang Pilipinas ay isang malayang bansa at hindi na maaring panghimasukan ng iba pang makapangyarihang teritoryo.

Kaugnay nito, pinapurihan ng pangulo ang aniya’y hindi mapapantayang pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas, at dapat aniya itong magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.

Dagdag pa ng pangulo, kahit mahigit 100 taon na ang nakalilipas ay dapat pa ring tuluran ng lahat ang pagiging makabayan ng pambansang bayani.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -