Pinsalang iniwan ng Bagyong ‘Ursula’ sa sektor ng agrikultura pumalo na sa higit P1-B —NDRRMC

0
17

Pumalo na sa higit P1-bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong ‘Ursula’ sa sektor ng agrikultura.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) kung saan sumampa na sa P1.79-bilyon ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong ‘Ursula’ sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Batay sa report, pumalo na sa P296-milyon ang halaga nang naitalang pinsala sa imprastraktura, habang nasa higit P700-milyon naman ang naitalagang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Ayon sa NDRRMC, naitala ang pinsala mula sa regions 5, 6, 7, 8 at MIMAROPA.

Sa ngayon, pumalo na sa 47 ang bilang nga mga nasawi habang siyam naman ang bilang ng mga nawawala.