Friday, May 17, 2024

Shooting incident sa serye ng pamamaril sa Negros Oriental

- Advertisement -

Patay ang 4 katao kabilang na ang 1 bata sa 3 magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Negros Oriental.

Batay sa ulat ng Negros Oriental Provincial Police Office, naitala ang mga nabanggit na shooting incidents sa mga bayan ng Siaton, Ayungon at Sta. Catalina.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong salarin ang biktimang si Raklin Astorias sa bahagi ng Barangay Maloh sa bayan ng Siaton.

Pasado ala 5 naman ng hapon nang pagbabarilin ang isa pang biktimang kinilalang si Reden Eleuterio habang sakay ng kanyang motorsiklo sa barangay Tampocon 2 sa bayan ng Ayungon.

Habang patay naman sa hiwalay na insidente ng pamamaril ang biktimang si Marlon Ocampo at anak nito sa Barangay San Jose sa bayan ng Sta. Catalina.

Nasugatan din sa insidente ang asawa ni Ocampo at isa pa nilang anak.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -