Friday, May 3, 2024

Shakira, JLo nagsanib pwersa sa 2020 Super Bowl half time show

- Advertisement -

Nagsanib pwersa ang mga pop superstars na sina Jennifer Lopez at Shakira sa half time show ng Super Bowl ngayong taon.

Binuksan ni Shakira ang show kung saan inawit nito ang ilan sa pinakasikat niyang kanta na “hips don’t lie” “whenever, wherever” at iba pa.

Sinundan naman ito ni JLo na inawit ang kanyang mga kilalang awitin na “waiting for tonight” at marami pa.

Matapos nito ay nagsama na ang dalawa sa entablado kasabay ng napakalakas na hiyawan ng mga manonood.

Samantala, umani naman ng papuri ang performance ng dalawang mang aawit sa social media kung saan nagtrend ang #halftimeshow at #superbowl.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img