Tuesday, May 7, 2024

Senado niratipikahan ang bicam reports sa 3 panukalang batas

- Advertisement -

Niratipikahan ng senado ang bicameral conference reports ng tatlong panukalang batas.

Kabilang sa mga niratipikahan ang disagreeing provisions ng Senate Bill No. 1532 at House Bill No. 8862 o ang Innovative Start-Up Act.

Kapag naisabatas ang panukala, ito ay magbibigay daan sa exemption sa bayad sa paggamit ng equipment, pasilidad at iba pang serbisyo mula sa mga ahensiya ng gobyerno.

Nakapaloob din sa probisyon nito ang sampung bilyong pisong start up venture fund para sa mga negosyante sa ilalim ng DOST o Dept. of Science and Technology.

Kabilang din sa mga niratipikahan ang disagreeing provisions ng Senate Bill No. 1534 at House Bill No. 8734 na naglalayong amyendahan ang retirement salary at benipisyo ng mga siyentipiko at iba pang science and technology personnel.

Habang niratipikahan rin ang bicam committee report para sa Student Fare Discount Act na naglalayong magbigay ng diskwento sa pasahe ng mga estudyante sa lahat ng transportasyon.

Sa oras na maratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang mga naturang panukalang batas ay pipirmahan na lamang ito ni Pangulong Duterte upang maging ganap na batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img