29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Diokno dumipensa sa hindi pagsipot sa hearing ukol sa budget insertion sa national budget

- Advertisement -

Dinipensahan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang hindi nito pag sipot sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa umano’y 75 bilyong pisong budget insertion sa pambansang pondo.

Ito ay matapos ipa subpoena ng komite si Diokno sa muling pag isnab nito sa nasabing pag dinig.

Ayon kay Diokno, may mga nauna na siyang “scheduled official commitments” at hindi na niya ito maaring ikansela kaya’t nagpasya ito na huwag nang daluhan ang pagdinig ng komite.

Kaugnay nito, sinabi rin ng kalihim na wala siyang intensiyong isnabin ang mga naunang pag dinig dahil ginagalang niya ang Kamara.

Samantala, umaasa naman si Leyte Rep. Vicente Veloso na sisipot na si Diokno sa mga susunod na pagdinig ng komite.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -