31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Sen. Imee Marcos: Ipatupad ang 2-araw na unilateral ceasefire sa pagitan ng AFP at NPA

- Advertisement -

Nananawagan si Senator Imee Marcos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang dalawang araw na unilateral ceasefire sa New People’s Army (NPA).

Ayon sa senador, dapat na ipatupad ang unilateral ceasefire sa Disyembre 24 hanggang Disyembre 25 upang matiyak ang mapayapang pagdiriwang ng mga Pilipino sa kapaskuhan.

Aniya, malaking bagay na ang dalawang araw na ito sa mga sundalo upang makapiling nila ang kani-kanilang pamilya kahit sa loob ng mga barracks habang ipinagdiriwang ang pasko.

Samantala, iginiit naman ni Marcos na magdudulot ng negatibong epekto sa hanay ng NPA kung hindi naman sila magsasagawa ng sariling ceasefire.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -