Friday, May 10, 2024

Pag-amyenda sa Saligang Batas hindi mamadaliin ng Kongreso

- Advertisement -

Maingat na bubusisiin at hindi mamadaliin ng Kongreso ang panukalang pag amyenda sa Saligang Batas.

Ito ang binigyang diin ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez kung saan sinabi nito na halos 2 buwan ang inilaan ng Kamara upang talakayin ang panukalang pag amyenda sa 1987 constitution.

Aniya, hindi pa plantsado ang panukala dahil bukas pa rin ang debate sa plenaryo ukol dito.

Una rito, inaprubahan na ng komite ang nasabing panukala kung saan kabilang sa inaprubahang resolusyon ay ang tandem-vote kung saan ang kapartidong Vice President ng mananalong Pangulo ang siya rin uupo sa pwesto.

Mula naman sa kasalukuyang 6 na taon na may tig-3 termino para sa mga Senador ay inamyendahan na ito sa 3 termino na may tig-5 taon na lamang.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng 27 Senador mula sa kasalukuyang 24 na Senador kung saan tig-3 Senador ang iboboto ng mga residente mula sa 9 na rehiyon.

Kabilang dito ang NCR, Northern Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -