- Advertisement -
Walang magiging problema sa implementasyon ng Salary Standardization Law 5.
Ito ang tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara kasunod ng pagpasa ng 2020 national budget.
Ayon sa senador, kasama sa pambansang pondo para sa susunod na taon ang pondo para sa implementasyon ng Salary Standardization Law.
Aniya, tinatayang aabot sa 130.45 billion pesos ang kabuuang pondo para maipatupad ang naturang batas.
Sa huli, iginiit ni Angara na kailangang maibigay ang dagdag na sahod sa mga kawani ng gobyerno bilang tugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin, transportasyon at maging ng edukasyon sa bansa.
- Advertisement -