- Advertisement -
Mas mataas na ang demand sa National Food Authority (NFA) rice sa kasalukukuyan.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol dahil na rin aniya sa magandang kalidad ng nabanggit na bigas.
Pagtitiyak ni Piñol, matatag ang suplay ng NFA rice ngayon at sapat ito para sa buong bansa sa loob ng 45 araw.
Paliwanag ng kalihim, sadya lamang aniyang mas binibili na ng mga consumers ang NFA rice gayong sampung porsyento lamang ang market participation nito.
Nasimula na rin aniya ang pagpapakalata sa mga merkado ng panibagong 47,000 metric tons ng mga iniangkat na bigas habang naaprubahan na rin kamakailan ang importasyon ng karagdagang 500,000 metric tons ng bigas.
- Advertisement -