P78-B loan agreement para sa North-South Railway Extension Project sinelyuhan na ng PH at Japan

0
48

Sinelyuhan ng Pilipinas at Japan ang P78 billion loan agreement para sa pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NCSR) extension project.

Ang paglagda para sa 109 kilometer North-South Commuter Railway extension project ay isinabay sa 6th meeting ng Philippines-Japan High Level Joint Committee on Infrastructure Development And Economic Cooperation.

Ang NSCR extension project ay bahagi ng 147 kilometer NSCR system project kung saan palalawigin ang sistema sa Clark Freeport sa Norte at Calamba, Laguna sa southern part.

Inaasahang papalo sa halos 350,000 pasahero ang inaasahang sasakay sa nasabing system project sa partial opening nito sa taong 2022.