Friday, May 3, 2024

Sanchez posibleng nakinabang din sa ‘GCTA for sale’ scheme — Gordon

- Advertisement -

Posibleng nakinabang din ang convicted rapist at murderer na si dating Caluan Mayor Antonio Sanchez sa kontrobersiyal na GCTA for sale scheme.

Ito ang binigyang diin ni Senator Richard Gordon matapos isiwalat ni Yolanda Camelon sa pagdinig ng Senado na nagbayad siya ng 50,000 piso para sa paglaya ng kaniyang asawa.

Ayon kay Gordon, hindi malabong mangyari ito dahil madali lang na nakapapasok sa tanggapan ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon ang common-law wife ni Sanchez.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Dept. Of Justice na iimbestigahan nila ang naturang katiwalian sa BuCor.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, dapat na masusing pag-aralan kung talagang kuwalipikado ang halos 2,000 preso na napalaya sa ilalim ng GCTA law.

Paliwanag nito, posibleng nagkaroon talaga ng bayaran at ginagawang raket ng mga BuCor officials ang GCTA law, kaya’t nakalaya ang ilang mga preso kahit na sangkot pa ito sa karumal-dumal na krimen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img