29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kapayapaan sa Mindanao, seryoso ang pamahalaan na makamit

- Advertisement -

Seryoso ang pamahalaan na ibalik at panatilihin ang kapayapaan sa Mindanao.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang decommissioning o ang pagbababa ng armas ng mga militar sa Sultan Kudarat sakabila ng nangyaring pagsabog sa lalawigan kung saan nasugatan ang 7 katao.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, ang kautusan ng Pangulo ay patunay lamang na seryoso ito na tuldukan na ang nagpapatuloy na karahasan sa rehiyon ng Mindanao.

Una rito, binalabog ng dalawang magkasunod na pag-sabog ang rehiyon ng Mindanao nitong weekend, kung saan naganap ang unang pagsabog nito lamang Sabado sa Sultan Kudarat.

Habang sinundan naman ito ng isa na namang pagsabog sa Sulu kung saan nasawi ang isang babae na hinihinalang suicide bomber.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -