Friday, May 17, 2024

Robredo lalo lang binulabog ang ‘war on drugs’

- Advertisement -

Lalo lamang binulabog ni Vice President Leni Robredo ang giyera kontra droga nang manungkulan itong co-chair ng Inter Agency Committee on Anti Illegal Drugs.

Pinuna ni Senador Bong Go na walang napatay na drug lord sa loob ng mga panahong nasa ICAD si Robredo.

Binigyang diin ni Go na kelangang patayin ang mga drug lords dahil ito ang gusto ng tao at para matigil na ang droga.

Sa halip anya na ipagpatuloy ang tokhang ay puro talk ang nangyari sa pananatili ni Robredo sa ICAD.

Naniniwala si Go na kaya walang namatay na drug lord sa panahong nasa ICAD si Robredo ay dahil natakot ang mga pulis dahil alam nilang hindi sila susuportahan ni Robredo.

Hindi anya katulad ng Pangulong Rodrigo Duterte, na susuporta sa pulis kapag nakapatay ng drug lord o kriminal dahil sa pagsunod sa kanyang trabaho.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -