Thursday, May 2, 2024

Robredo hindi na kailangang ibunyag ang nalalaman sa war on drugs —Lacson

- Advertisement -

Hindi na kailangan pang isapubliko ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang mga natuklasan sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, kaugnay ng babala ni Robredo na kaniyang isisiwalat ang kaniyang mga natuklasan ukol sa war on drugs.

Aniya, hindi magiging maganda ang epekto nito—lalo na’t kung ang hakbang na ito ni Robredo ay nag-ugat lamang sa pagsibak sa kaniya ni Pangulong Rodrigo  Duterte bilang co-chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).la

Paliwanag ni Lacson, posible kasi itong makasama sa kasalukuyang kampanya ng pamahalaan.

Gayunman, sinabi rin ng senador na kung may maganda naman itong maidudulot ay dapat lamang na isiwalat ni Robredo ang kaniyang mga natuklasan.

Matatandaang, dinipensahan ni Lacson si Robredo matapos itong sibakin ng pangulo dahil wala naman aniya siyang nakikitang mali sa mga hakbang nito bilang co-chair ng ICAD.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img