29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagsibak kay Robredo bilang drug czar nararapat lang —Barbers

- Advertisement -

Tama lamang ang naging pag-sibak ni Pangulong Rodrigo duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang naging reaksyon ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert ‘Ace’ Barbers matapos sibakin ng pangulo si Robredo, dalawang linggo matapos itong italaga bilang drug czar.

Ayon kay Barbers, simula nang maitalaga si Robredo sa puwesto ay puro lamang pagkonsulta sa United Nations at European Union ang inatupag ng pangalawang pangulo.

Sinabi pa ni Barbers, imbis kasi na mag-latag si Robredo ng konkretong programa para matuldukan ang iligal na droga ay panay lamang ang pakikipag pulong nito sa mga hindi naman aniyang mahahalagang tao.

Dagdag pa ni Barbers, nawalan na rin ng kumpiyansa ang pangulo kay Robredo kaya’t wala ng dahilan pa para manatili ito bilang drug czar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -