Sunday, May 5, 2024

Reward ng Grab sa kanilang mga customers maaari nang gamitin

- Advertisement -

Nagsimula nang makatanggap ng refund ang mga customers mula sa ride-hailing app na Grab.

Ito ay alinsunod sa kautusan ng Phil. Competition Commission (PCC) kung saan umabot sa P19.2M ang ni-refund ng Grab sa kanilang mga pasahero.

Batay sa inilabas na pahayag ng Grab, nasa piso ang makukuhang refund ng mga customers sa bawat P1,200 halaga ng pamasaheng nagastos nila mula February 10 hanggang May 10.

Habang piso rin naman ang makukuhang refund ng customers sa bawat P450 nagastos ng mga ito mula May 11 hanggang August 10.

Matatandaang, pinatawan ng PCC ang Grab ng aabot sa kabuuang P40M dahil sa kabiguan nitong tumalima sa napagkasunduang fare hike ng gobyerno at bunsod na rin ng tumaatas na bilang ng driver cancellation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img