31.1 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Hustisya sa panibagong kaso ng pagkamatay ng isang OFW sa Kuwait hiling ng DFA

- Advertisement -

Nais ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na makamit ang hustisya para sa isa na namang insidente nang pagpaslang sa isang pinay OFW sa Kuwait.

Ito ay matapos na kumpirmahin mismo ng Dept. of Foreign Affairs na mayroon na namang isang Pilipina ang nasawi sa kamay ng mga employer nito sa Kuwait.

Ayon kay Locsin, dahil sa walang awang pag-paslang ng employer sa Pinay domestic helper nais niya ang ulo nito, bilang kapalit sa kaniyang nagawang krimen.

Sa ngayon, tiniyak ni Locsin na hindi lamang ang employer ng OFW ang kanilang pananagutin kundi maging ang mga recruiter nito na naglagay sa kaniya sa panganib.

Kasabay nito, nanawagan ang DFA sa mga otoridad sa Kuwait na makipagtulungan at maging transparent sa isinasagawang imbestigasyon upang matiyak na makakamit ng pamilyang naulila ng naturang OFW ang hustisya.

Magugunitang mataas ang insidente ng karahasan laban sa mga Pinay domestic helper sa Kuwait dahilan para maitulak ang pagpapatupad ng deployment ban dito noong 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -