Saturday, May 4, 2024

‘Recyling’ sa mga nakukuhang iligal na droga ng tiwaling pulis kinumpirma ni Duterte

- Advertisement -

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat kaugnay ng pagkakaroon ng kurapsyon sa mga illegal drug operations.

Kasunod ito ng pagsisiwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na ilang mga tiwaling pulis ang sangkot sa pagri-recycle ng mga nasasabat na iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakarating na sa kanya ang nasabing iligal na gawain ng ilang mga tiwaling pulis.

Gayunman, wala aniya silang matibay na ebidensiya hinggil dito kaya kanyang inatasan si Aquino na manmanan at hulihin sa akto ang mga pulis na sangkot sa pagri-recycle ng mga iligal na droga.

I have to have evidence. Kaya nga sabi ko, sundan nalang muna ninyo (ang mga agent). Yung mahuli nila (illegal drugs), for example 20 kilos (of illegal drugs), ang i rereport lang nila ay 10 kilos. Tapos may ‘award’ pa sila. At yung iba i-rerecycle nila,” — Pangulong Rodrigo Duterte

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img