33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Paglaya ng matatandang convicts pinamamadali ni Duterte

- Advertisement -

Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng mga may sakit at matandang preso.

Ito’y sa gitna ng kontrobersyal na paglaya ng mga convict ng ‘heinous crime’ sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na makakagawa ng krimen ang mga bilanggong matatanda dahil mahina na ang katawan ng mga ito kaya’t dapat lang na palayain na ang mga ito.

70 years old ,or 75, 70, hindi na marunong mag hold-up yan, hindi na makatakbo ‘yan. O kung takot ka pa kay (dahil) serial rapist, paputol mo na lang diyan sa foundry nila bago palabasin,”— Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, napansin din ng pangulo ang umano’y pagdami ng mga ‘bakla’ sa bilibid.

Sinabi ng pangulo, marami na rin ang mga preso na ayaw nang lumabas ng kulungan dahil may mga karelasyon na sa loob na kapwa rin nila mga lalake.

karamihan sakanila ayaw nang umalis kasi may mga lovers na yan sila sa loob. Saka yan, ‘yang lumabas na 30, 25 years, hindi na maghanap ng babae yan. They have acquired latent homosexuality. Wala na yan silang desire makipag halikan ng babae. Ang gusto nya, yung iniwan niya and that is I said they have acquired latent homosexuality,” — Dagdag pa ni Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -