Ulat na kaso ng nCoV sa Las Piñas fake news

Ulat na kaso ng nCoV sa Las Piñas fake news

by Powered by DWIZ
88 views

Pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang ulat na naka-lockdown na ang lungsod dahil sa isang Chinese national na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Sa pahayag na inilabas ng Las Piñas Doctors hospital, binigyang diin nito na walang katotohanan ang mga ulat na kumakalat sa social media.

Sa katunayan, wala pa anilang naitatalang kaso ng nCoV-ARD sa Las Piñas.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga kumakalat na ulat sa social media, at hintayin muna ang abiso ng Department of Health.

0 comment

Related Posts