Saturday, May 4, 2024

Pulong nila Albayalde at Sri Lanka President Sirisena naging mabunga

- Advertisement -

Labis na ikinatuwa ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang naging pagbisita sa kampo crame ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena.

Ayon sa PNP Chief, naging produkibo naman aniya ang naging pag uusap nila ng pangulo ng Sri Lanka na nakatuon sa war on drugs ng Pilipinas na nais tularan ng nasabing bansa.

Aniya, halos pareho lamang ang problema ng Pilipinas at ng Sri Lanka pagdating sa iligal na droga kaya’t nais tularan ng naturang bansa ang war on drugs ng Pilipinas.

Dagdag pa ng PNP chief, handa naman sila na umalalay at magbigay ng maraming impormasyon sa Sri Lanka kung paano naisakatuparan ng PNP ang kampaniya kontra droga.

Matapos ang isinagawang closed door meeting sa loob ng multi purpose center, ipinakita rin ng PNP ang kanilang accomplishments kay President Sirisena sa pamamagitan ng photo gallery.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img