32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Motor vehicle users charge tiniyak na mapupunta sa national treasury

- Advertisement -

Tiniyak ni Senator Panfilo Lacson na mapupunta sa national treasury ang pondo ng MVUC o Motor Vehicle User’s Charge.

Ayon kay Lacson, nagkasundo na ang Kamara at Senado na dapat mapunta sa National Treasury ang pondo ng MVUC na umaabot sa halos 50 bilyong piso na nakatakda namang isama sa deliberasyon ng 2019 national budget.

Paliwanag ng Senador, nakatakda silang magsagawa ng paper bicam kung saan hindi na kailangan pang magsagawa ng pormal na pagpupulong at pipirmahan na lamang ang bicam report.

“Ang naging usapan is paper bicam nalang kasi nagkasundo na may mga parameters, ang proceeds yung pondo ng MVUC, pupunta sa national treasury at masasama ito sa general fund at masasama sa deliberation ng national budget so wala naman nababago sa usapan so yun na yun. Kasi may menu yan eh…parang mawawala yung portion sa DOTr, kasi DPWH yan atsaka DOTr. Yung isa ngayong diyan, yung road repairs…”

 

(From Usapang Senado interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -