Sunday, May 12, 2024

Publiko binalaan vs. fixers – BI

- Advertisement -

Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na huwag tangkilikin ang mga nag-kalat na fixers na nag-aalok ng mabilisang proseso, kapalit ang pera.

Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, hindi dapat madala ang publiko sa mga mabulaklak na salita ng mga fixers na nangangako ng mabilis na transaksyon sa mga opisina ng ahensiya.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto kahapon sa isang fixer na si Brigeda Quijano sa Mandaluyong City, kahapon.

Nanghingi umano ng P150,000 si Quijano sa isang German national para iproseso ang pagpapalaya dito.

Dahil dito, umapela si Morente sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga naturang iligal na gawain.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -