30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Apat ng tax reform bill inaasahang maipapasa ngayong taon – DOF usec

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Department of Finance (DOF) na maipapasa ngayong taon ang apat na tax reform bill.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, dumaan na kasi sa round of hearings at passage sa kamara ang ‘trabaho package 2 plus’ o ‘tax reform for attracting better and high quality opportunities’, at ‘package 3’ at ‘capital income tax reform’.

Dahil dito, aminado si Chua na inaasahan nilang mas mapabibilis ang paglusot ng mga ito.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni Chua ang pangamba ng ilang kumpanya na tatanggalin na ang incentives sa Trabaho bill.

Sa katunyan pa aniya, dagdag na benepisyo ang ibibigay ng pamahalaan kapag nakapagbigay ng trabaho ang isang kumpanya sa ilalim ng naturang panukala, ibaba ang corporate income tax.

Una rito, umapela na mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na bilisan ang pagpasa ng mga panukalang batas upang makalikom ng pondo ang pamahalaan para matustusan ang ‘build, build, build’ program.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -