Saturday, May 4, 2024

PSG mas maghihigpit upang matiyak na ligtas si Duterte sa COVID-19

- Advertisement -

Mas maghihigpit pa ang Presidential Security Group (PSG)upang matiyak na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos na may maitalang kaso ng COVID-19 sa hanay mismo ng PSG, maging sa mga taga Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hindi basta-basta tumatanggap ng bisita ang pangulo maliban na lamang kung makikipagpulong ito kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force at kanyang mga gabinete kung saan dito na din ito nagbibigay ng talumpati sa publiko.

Dagdag pa ni Roque na maging siya mismo ay hindi nakakausap ang pangulo hanggat walang katibayan na negatibo ito sa COVID-19.

Samantala, matatandaang una nang sinabi ng PSG na kanilang tinitiyak na ligtas sa COVID-19 ang grupong nakatoka sa seguridad ni Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img