Saturday, May 18, 2024

‘Bayanihan 2′ lusot na sa senado

- Advertisement -

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang Senate Bill 1564 o Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.

Sa ginawang botohan, 22 senador ang bumoto ng ‘yes’ habang isa lamang ang bumoto ng ‘no’.

Tanging si Senador Kiko Pangilinan ang bumoto ng ‘no’ sa naturang bill na naglalayong palakasin ang ekonomiya ng bansa at maipagpatuloy ng administrasyon ang pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Paliwanag ng senador, hindi sya bumoto sa Bayanihan 2 dahil sa kakulangan ng mahusay na liderato ng kasalukuyang administrasyon kung kaya’t hindi siya umano nagtitiwala na maipapatupad ng mahusay ang panukalang batas gayung malaking halaga ang nakapaloob dito.

Naglaan kasi sa batas ng P140-bilyon para sa pagbili ng swabbing test kits; unemployment and involuntary separation assistance program ng Department of Labor and Employment (DOLE); cash for work at tupad programs ng DOLE; pagbibigay ng low-interest loans sa mga maliliit na negosyo, at iba pa. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -